I don’t have plans to make another “sad” topic in my blog. Actually I’m posting non-sense topics just to add something good or at least happy thoughts. If you noticed, I had a statement in my YM saying that I “I want to fly”.
I’m walking in the hallway. I think it’s a hotel because it has many rooms in it. It’s very bright inside; I can feel the purity of the place.
So you still remember the movie Peter pan? Peter pan said to Wendy, “Think of HAPPY thoughts! (So that she can fly). Hindi ko pa alam na my dear friend already died nung mga panahon na yon. I’m just feeling sad, because I feel lonely. Kahit na puno ako ng kaibigan at nakakaaliw ang mga pangyayari sa paligid.
Nililibot ko ang white hotel, kasama ko pala ang mga kibigan ko sa loob. Pumunta ako sa kwarto kung saan nandon ang aking mga dormates, nakipagkwentuhan ako at nangamusta. Ngunit kailangan ko ng umalis agad. Ang sabi ko sa kanila
“guys aalis nako, may hahanapin pako eh!”
Sabi ni ate Jean,
“Cookai, tingnan mo muna tong binebenta ko. (pinapakita ang dugtong dugtong na colored papers na parang scratch papers lang)”
Sabi ko,
“mmm… sige sige, wait lang. may hahanapin lang talaga ako, tulungan kita mamaya”
Many days have passed now. Lagpas na din yung 40 days na tinatawag nila. I can say na I’m okay now. I don’t feel sad anymore, I feel happy for him that he’s in a happy place right now. Siguro mas mahirap pag nagkita kami tapos after that, nawala na siya. Mas maganda na siguro yung ganito.
Dali dali akong umalis sa kwarto nila. Habang naglalakad ako sa hallway nakakita ako ng glass walls. Hindi pala yun White HOTEL, WHITE HOSPITAL pala. Kasi nakakita ako ng mga babaeng nanganak. Nakahilera. Hawak ang kanilang mga bagong silang na sanggol.
Sobrang excitement ang nararamdaman ko non. Kasi malapit ko ng Makita ang hinahanap ko. Nararamdaman kong malapit na siya. Siguro ilang kwarto nalang.
I slept early that night. 10pm. That’s not normal for me, but I felt really sleepy that night, so… I slept early.
Malapit na! ayan na! sa wakas… makalipas ng ilang taong paghihintay. Siguro kung nakakalipad ako, lumipad nako papunta sayo. Nang biglang…….
*ring… ring… ring…
Damn!
Calling… Ate Kei
Nagriring ang mabuti kong PHONE!!!
*tuut* $^#$^ W%*$ #*$ &**&
“cookai, natutulog ka ba? Sumama ka samin, pupunta kami makati med. 8:30 nanjan na kami, sige later!”
D ko dapat sasagutin yung Phone sa sobrang pagka BADTRIP! Importante pala.
8:00am na non, so I have 30 min. left to fix myself before they arrive. I immediately rushed to the CR to take a shower. A fast one.
When I was inside the shower, It sank into my veins. Ang lungkot na naramdaman ko noong nakaraang lingo. Sh*t, ayoko na. ayoko ng malungkot ulit. Okay na nga ako eh.
Matagal nakong nag-aantay managinip. At sa wakas, nanaginip din ako. Kaso, bitin. Gusto kong matulog ulit. Baka magtuloy ang pagkikita namin. Kaso… ayaw na. wala na.
Pati ba naman sa panaginip, d kami matuloy. TAE… Tae to the ^nth power!